Sabado, Nobyembre 12, 2011

Nome de Plume

Sa Isang Tuwid na Daan
Ni: Reggie Ibarreta

Sigaw sa Pugadlawin!Sigaw sa Edsa!
Iisa ang layon!Iisa ang tangka!
Makalaya si Inang sukab sa lupa;
Sa kadenang bakal iginapos kaawa.

Sa iisang nasa tayo’y makalaya,
Sa isang likong daan na mapagnasa;
Sinukob ng dilim at mga babang luksa;
Inipit sa gitna ng mga maling gawa.

Sa iisang landas na tuwid na daan,
Nawa’y makamit at tuluyang makamtan;
Mga pagbabagong ating nasang maratnan;
Para sa  darating na kinabukasan.

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Ang Dahon


Ang Dahon
Ni: Reggie Ibarreta

Ang takda ng panahon ay may katapusan
Bawat buhay dito sa mundo ay may hangganan
Bawat Tao, Hayop at halaman ay isa ang hantungan
Tulad ng isang dahon nilipasa’t nahulog sa kalupaan

Anong hiwaga’t mayroon ang tinatawag nating buhay
Kung ang katapusan nito’y paroroon din sa kamatayan
Isang buhay na katotohanang hindi matatakasan
Sa hangganan nito’y tulad ng isang dahong nadarang

Luha at kalungkutan sa iisang daan ang daratnan
Mga nilalaman ng kahapon niyaring kabagay
Sa iisang hiwaga nitong niyari kong buhay
Tulad ng isang dahong inilipad sa lawak ng kalangitan

Mga sinta at pasakit ang siyang haharapin
Dito sa mundong kay lumbay kong walang pag-ibig
Lumilipas ang mga araw na ang sinta’y lalong tumatamis
Kung ako ma’y isang dahon saiyo’y papaakit

Mga niyaring buhay dito sa mundong ibabaw
Lumilipas tumatanda sa aba nitong kapalaran
Tulad ng isang dahong sumasabay sa agos ng santinakpan
At ang dahon mandin ay pasasaakin

Mga Inukit ng Kapalaran

Mga Inukit ng kapalaran
Ni: Reggie Ibarreta

Dito po sa amin sa bayang ipinagpala,
 Ang mga tao’y salat namamatay sa luha;
Hirap at pawis ang siyang sawing kapalaran;
Mamatay ng dilat nakahandusay sa lupa.

Isang dipang langit ang siyang kinamulatan,
Nang mga taong yagit lagalag sa lansangan;
Ni walang matirahan o mauwian man lamang;
Nabubuhay sa hingi’t limos sa lansangan.

Ako ma’y munti’t kapos sa karunungan,
Mga mata ko nama’y tapat sa katotohanan;
Dalita’t tangis ang siyang nasumpungan;
Dito sa bayang ipinagkalulo kay makasalanan.

Ang buhay nga naman ay kayhirap arukin,
Kung ang isang bayan ay sinukob na ng sakim;
Mga musmos na kabataan ang sa hirap ay nasaid;
Sa buhay na palalo’t puno ng hinagpis.

                               Mga inukit ng kapalaran…
Dinarang sa apoy nitong mundong makasalanan;
Mga musmos na kinaitan ang buhay ng kabataan;
Dito sa lipunang sinukob na ng mga balatkayohan.

Anong tamis ang mabuhay dito sa mundo,
Kung ang tao ay sa tama at hindi sa maling gawa;
Lahat ay pantay-pantay at walang anumang labanan;
                      At ang mga kabata’y masasayang sumusunod sa buhay