Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Ang Dahon


Ang Dahon
Ni: Reggie Ibarreta

Ang takda ng panahon ay may katapusan
Bawat buhay dito sa mundo ay may hangganan
Bawat Tao, Hayop at halaman ay isa ang hantungan
Tulad ng isang dahon nilipasa’t nahulog sa kalupaan

Anong hiwaga’t mayroon ang tinatawag nating buhay
Kung ang katapusan nito’y paroroon din sa kamatayan
Isang buhay na katotohanang hindi matatakasan
Sa hangganan nito’y tulad ng isang dahong nadarang

Luha at kalungkutan sa iisang daan ang daratnan
Mga nilalaman ng kahapon niyaring kabagay
Sa iisang hiwaga nitong niyari kong buhay
Tulad ng isang dahong inilipad sa lawak ng kalangitan

Mga sinta at pasakit ang siyang haharapin
Dito sa mundong kay lumbay kong walang pag-ibig
Lumilipas ang mga araw na ang sinta’y lalong tumatamis
Kung ako ma’y isang dahon saiyo’y papaakit

Mga niyaring buhay dito sa mundong ibabaw
Lumilipas tumatanda sa aba nitong kapalaran
Tulad ng isang dahong sumasabay sa agos ng santinakpan
At ang dahon mandin ay pasasaakin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento