PASASALAMAT SAIYO, AKING AKLAT NG KARUNUNGAN
Ni Reggie Ibarreta
Noon sa aking kabataang gulang ay napag-alaman
Na ang pag-aaral ay isang yamang dinudungkal
Pinaghihirapan at sa bawat araw ay pinagpapawisan
Sa huli ay aanihin upang ating mapakinabangan.
Maraming taon ang lumipas hanggang magbinata
Natapos ang primarya, kalauna'y nagsekundaya
Mga bagong pakikibaka ang siyang naghahantay
Sa aking bagong buhay sa yugto ng aking skwela.
Apat na mahabang taon ay pilit na nilampasan
Katuwang ang aking mga aklat ng karunungan
Upang matapos ang ikawalang yugto ng pag-aaaral
Sa yugtong ito ng makahulugan kung buhay.
Natapos ko ang sekundarya ng masayang masaya
Ngayon ay nasa kolehiyo at bagong simula naranasan
Mga bagong kaibigan at nakilala sa araw na lumipas
Tulong-tulong sa bawat asignatura ng pag-aaral.
Ngayon ako'y magtatapos na...
Maligayang makatapos at magkaroon ng diploma
Kasama ang aklat ng karunungang sa bawat araw
Sa hirap at pagsubok nariyan ka upang ako'y tulungan
Salamat... Salamat saiyo aking kaibigan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento