BASAHANG SAPLOT
Ni Juan
Sa silong ng tulay
kung saan sila tumutuloy
Si nanay,tatay, si
ate, kuya at si bunso
Maliit yayat na kung
mamasdan moy tila
Isa ng buhay na
bangkay.
Si nanay
tangan-tangan ang isang munting pusa
Na kung mamasdan ay
tila katulad na nila
Na ang danas ng
munting hayop ay halos
Katulad o higit
pa sa kanila.
Kaawa-awa kung
titingnan, halos maluha na nga
Lamang ako sa
kanilang kalagayan
Lahat ng mga bata’y
halos butot balat ang mga katawan
Habang minamasdan ko
ang kanilang paliligo sa ulan.
Ang isa sa gilid
namay labis ang iyak
Habang si nanay ay
abala sa kanyang ginagatong sa
Paglulutuan.
Naisip ko nalang,
marahil si bunso ay hindi pinayagang maligo
Sa gitna ng ulan.
Basahang Saplot ito
ang unang dumantay sa isipan
Sa katunayan bakit ko
nga pala ito kinumpara
Gayong oo nga’t
madungis ang mga bata, walang pormal
Na kasuotan at
nanlilimahid ang katawan
Marahil siguro
Basahang Saplot dahil ito ang
Isang mahalagang
bagay na sumasalamin sa ating kahirapan
Na kung saan kabataan
ang siyang higit na nakararanas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento