HUWAD NA POON
May mata ngunit hindi
nakakakita
May kamay ngunit
hindi nakakahawak
Isang huwad na poon
na siyang sinasamba
Nitong isang bayang
na tila isang bulag sa katotohanan.
Minsan lumuluha ng
dugo na isa daw himala
Makapagpapagaling ng
anumang karamdaman
Dudumugin ng
kabayanan
Lalasunin ang mga
inosenteng isipan.
Ito ba’y isang sumpa?
O silong lalang?
Dito sa ating bayang
lubog na sa karimlan
Sa iba ito daw ay
tama at dapat pag-alayan
Sa iba nama’y ito daw
ay mali at pagsuway
Sa banal kautosan ng ating
Lumikhang naglalang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento