SA SILID NG PAG-IISA
Ang takbo ng aking isipan ay
umiikot lamang sa iisang bagay
Ito ay sa mga
gunitang nakapaloob sa aking pagkabata
Panahon na kung saan
ako lamang ay inosenteng kabataang ang
Sa isipan ay pawang
laman lamang ay kasiyahan.
Isang ala-alang di
kaya mang tumbasan ng anumang materyal
Na bagay.
Sa isang tipak ng
aking kabataang gulang
Kasama ang mga taong
siyang humubog at gumabay
Sa mga di ko malilimutang
storya ng aking pagkabata
Silang nagbigay
ningning ng liwanag sa hiram kong buhay.
Sila Lolo’t Lola at
sa lahat ng taong aking mga nakasama
At nakadaupang palad
sa mga masasaya at malulungkot
Na sandali ng aking
buhay.
Ang mga mahahalagang
taong aking nakasama, pamilya, kamag-aral,
Mga dating kaibigan
at mga bagong nakilala
Silang lahat at ang
kanilang mga ala-ala
Dito sa aking silid
sa mga sandali ng aking pag-iisa,
Silang nagbibigay
buhay sa bawat gunita ng aking isipan.
Silang aking buhay sa
aking makahulugang paglalakbay
Sa mayamang yugto ng
aking buhay
Na pinunan ko ng
masasayang ala-ala
Habang ako’y nasa
silid at nag-iisa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento