Huwebes, Oktubre 4, 2012

edukasyon



WASTONG EDUKASYON: Tungo nga ba sa isang maunlad na lakbayin nitong buhay?

            Ayon nga sa isang kawikaan: “Ang taong may pinag-aralan may magandang kinabukasan.”  Ito'y simpleng pagsasaad, na ang mga taong mga karaniwang nakapagtapos sa  karera ng pag-aaral ay karaniwang nagtatagumpay sa buhay. At tulad ng paglalakbay sa mga hamon sa ating buhay, ang pagkakaroon ng wastong edukasyon ang isa sa ating mga mabuting sandigan upang ating maabot ang mga pangarap na minimithi natin sa ating buhay.
            Ngunit kung minsan ay hindi nating maitatangging, kung sino pa ang ating mga hinahangaang personalidad sa larangang ni sa hinagap ay hindi natin ninasang maabot ay sila pang higit na nakikilala at nagiging matagumpay sa kanilang buhay. Silang mga taong minsang din na naghangad na makapag-aral ngunit sa labis na kahirapan ay hindi na nakapagpatuloy pa, at bagkus sa kanilang kabataan ay  maagang nasadlak sa mabigat na responsibilidad para sa nilang mga pamilya... tulad na lamang ng kwentong buhay ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao, sa maagang gulang ay naharap na na mabigat na tungkuling ang magbanat ng buto para sa kanyang mahal na pamilya,ngunit, sa kabila ng lahat hindi agad siya sumuko at bagkus ginamit niyang sandata ang kanilang kahirapan upang mapagtagumpayan ang tinatamasa niya ngayong magandang buhay.
              Kahanga-hangang isipin ang mga taong naging matagumpay, sa kani-kanilang napiling larangan, sa kabila ng hindi nila nagawang makatapos sa pag-aaral... Bagkus ang bawat magandang pagkakataong dumating a kanilang buhay, gaano man ito kahirap ay buong puso nila itong tinanggap, at kalaunan nga'y sila ay naging matagumpay sa kanilang buhay, hinangaan at nagsilbing inspirasyon ang kanilang mga mabubuting naimbag sa kaunlaran nitong ating bayan. Naalala ko tuloy ang minsang sinabi ni Thomas Edison na “One percent knowledge ninety-nine perspiration” Sa ating realidad na ginagalawan ang simpleng pag-aaral at pagtatapos lamang sa karera ay hindi sapat bagkus paghihirap at pagpapawis sa bawat bagay na ating  ginagawa.
            Kung gayon, sa aking katanungang kung ang pagkakamit ba ng wastong edukasyon ay sapat  ba sa para maunlad na paglalakbay natin sa ating buhay ay tunay ba? O hindi... Ang sagot ko ay 'TUNAY”
at bilang isang tao dito sa mundo,tayong lahat ay binigyan ng kalayaan na makipamuhay at maging mabuting mamamayan nitong ating bayan... kaya walang masamang dahilan kung tayo man ay naging matagumpay o maghirap sa ating  mga hinaharap na buhay. At bagkus ang lahat ng bagay na ito ay nakadipende sa lahat na desisyon at mga gawa na ating ginamit sa bawat sandali ng ating buhay. Nakapagtapos ka man o hindi sa pag-aaral, tayo ay may kalayaang gawin sa pagpapa-unlad ng ating buhay o di kaya'y kung sa daang pagbagsak.
            Sa wastong edukasyon na ating matatanggap, sa disiplina at tiwala sa ating sariling kakayahan ang siyang mahalagang sangkap sa ating pag-unlad. Kung saan saan sa bawat pagkamit ng magandang  pagkakataon sa ating buhay ay buong pusong at katapatan natin itong natanggap. Walang sino man ang tinatapakan bagkus, lalong nagiging determinasyon sa paggawa. Ito ang tunay at walang katumbas na maaari nating makamit sa buhay.
            Ang ating mahabang paglalakbay sa landasin nitong ating buhay ay isang natatanging pagkakataong maaaring maganap sa ating buhay. Ang maging makahulugan ang bawat sandaling  na inilagi natin dito sa mundo. Sa bawat edukasyong ating nakamit sa ating buhay, pagpapahalaga at tiwala sa sariling kakayahan ang siyang ating mabisang panlaban, dito sa mundo na kung saan ang lahat may may kakayahan maging maganda ang lakbayin ng kanyang buhay.          
            Sa wastong edukasyong nakasalalay sa bawat pag-ukit natin sa ating sariling mga buhay. Na tungo sa maunlad na LAKBAYIN NITONG ATING BUHAY!        

           

Miyerkules, Oktubre 3, 2012

LAKBAY BUHAY


LAKBAY BUHAY
Ni Reggie Ibarreta

Oras na lumisan, naglalahong bula
Sa hiwaga ng panahon na itinala
Araw na tinakda na siyang simula
Wakas ng dapithapon na nalalapit na.

Sa bawat pagsulong ng buhay na likha
Mga kataling pusong inalayan ng luha
Sa bawat paglisan, darating ang simula
Sa paglalakbay sa yugto nitong buhay.

Ang lakbaying hamo't bigkis sa tuwa
Iniilawan ng sulo sa diwa't pagluha
Ngunit nagbibigay saya sa tapos na pita
Taglay ang alaala sa nagdaang pagdurusa.

Sintang kay giliw sa bawat pag-ibig
Mga bahagi ng sandali ng unang pagniig
Sa  mga bawat pasyang nakapagligalig
Sa pagsungkit ng  puso, ni sintang iniibig.

Ang lakbayin ng buhay ay pagkukubli
Sa layon ng sandali na pilit minithi
Sa haplos nn samyo hanging nakangiti
Pagsasamang mabuti sa araw na pagbalik.

Sa lungkot at kasiyang na bininhi
Pakikisama sa bawat tipak ng sandali
Anumang pahina nitong buhay na nilipi
Sa akdang ito ang buhay sa lakbayin.

Anang kawikaan: Walang matimtimang
Birhen sa matiyang nananalangin
Nawa'y dapat laging nating pakaisipin
Na ang buhay ay puno ng pagpapasakit.

Bawat pagsubok ng duyan na lunggati
Ninasang lakbayin sa buhay na sinipi
Sintang duyan na ating titingalain
Bukas makalawa sa hamon lulugmok din.

Lakbay buhay sa mundong may lumbay
Mga tao'y karakter sa bawat paglalakbay
Na laging sa huli ay iisa ang kakamtin
Sa huling sandali, mga alaala ay sasariwain.

Ang mga aral sa sandali ng ating lakbayin
Tanging alaala sa panahon sa buhay natin
Pagmamahal at pakikipamuhay sa bawat isa
Sa LAKBAYIN NG BUHAY  sa mundomg atin.









Lunes, Oktubre 1, 2012

SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA?

SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA?
May kasabihan tayong “pagkatapos ng mahabang dilim ay sisikat din ang umaga”ang ating lipunang ginagalawan sa kasalukuyan ay aking masasabing nasa madilim nitong kaganapan. Madilim dahil narin sa ating pagkikiming balikat sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bayan. Pagiging bulag sa mga karaingan ng ating mga kababayan, sa mga suliraning tila ba'y wala nang lunas na maibibigay pa.
Sisikat pa kaya ang umaga? Yan ang katanungang naglalaro sa aking isipan habang nagsusulat ng maikakatha. Sa gitna ng gabing tahimik na tila ba? sa gitna ng katahimikang ito'y may mga nagtatagong ahas na handa kang sagpangin sa oras na ito ay iyong madaanan.
Katakot-takot isipin, ngunit ang mga ganitong kaganapan ay tunay nang bahagi sa realidad ng buhay na ating ginagalawan. Isang pangyayaring unti-unting sumisira sa lipunan na ang sukatan ay salapi at kapangyarihan. At sa isang gabing madilim na tila ba tayo ay nasa loob ng silo ng demonyo at halos hindi na makaalpas.
Sa bawat mukha ng ating lipunan, sa ating bayan, sa simbahan,pamayanan, pamahalaan at sa bawat pamilya na nananahan dito sa lupa ni inang bayan... Isang tanong ang nasang masagot. SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA? Sa lupa ni inang sinukob na ng lagim at kahirapan.