WASTONG
EDUKASYON: Tungo nga ba sa isang maunlad na lakbayin nitong buhay?
Ayon nga sa isang kawikaan: “Ang
taong may pinag-aralan may magandang kinabukasan.” Ito'y simpleng pagsasaad, na ang mga taong
mga karaniwang nakapagtapos sa karera ng
pag-aaral ay karaniwang nagtatagumpay sa buhay. At tulad ng paglalakbay sa mga
hamon sa ating buhay, ang pagkakaroon ng wastong edukasyon ang isa sa ating mga
mabuting sandigan upang ating maabot ang mga pangarap na minimithi natin sa
ating buhay.
Ngunit kung minsan ay hindi nating
maitatangging, kung sino pa ang ating mga hinahangaang personalidad sa
larangang ni sa hinagap ay hindi natin ninasang maabot ay sila pang higit na
nakikilala at nagiging matagumpay sa kanilang buhay. Silang mga taong minsang
din na naghangad na makapag-aral ngunit sa labis na kahirapan ay hindi na
nakapagpatuloy pa, at bagkus sa kanilang kabataan ay maagang nasadlak sa mabigat na
responsibilidad para sa nilang mga pamilya... tulad na lamang ng kwentong buhay
ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao, sa maagang gulang ay naharap na
na mabigat na tungkuling ang magbanat ng buto para sa kanyang mahal na
pamilya,ngunit, sa kabila ng lahat hindi agad siya sumuko at bagkus ginamit
niyang sandata ang kanilang kahirapan upang mapagtagumpayan ang tinatamasa niya
ngayong magandang buhay.
Kahanga-hangang isipin ang mga taong naging matagumpay, sa kani-kanilang
napiling larangan, sa kabila ng hindi nila nagawang makatapos sa pag-aaral...
Bagkus ang bawat magandang pagkakataong dumating a kanilang buhay, gaano man
ito kahirap ay buong puso nila itong tinanggap, at kalaunan nga'y sila ay
naging matagumpay sa kanilang buhay, hinangaan at nagsilbing inspirasyon ang
kanilang mga mabubuting naimbag sa kaunlaran nitong ating bayan. Naalala ko tuloy
ang minsang sinabi ni Thomas Edison na “One percent knowledge ninety-nine
perspiration” Sa ating realidad na ginagalawan ang simpleng pag-aaral at
pagtatapos lamang sa karera ay hindi sapat bagkus paghihirap at pagpapawis sa
bawat bagay na ating ginagawa.
Kung gayon, sa aking katanungang
kung ang pagkakamit ba ng wastong edukasyon ay sapat ba sa para maunlad na paglalakbay natin sa
ating buhay ay tunay ba? O hindi... Ang sagot ko ay 'TUNAY”
at bilang isang
tao dito sa mundo,tayong lahat ay binigyan ng kalayaan na makipamuhay at maging
mabuting mamamayan nitong ating bayan... kaya walang masamang dahilan kung tayo
man ay naging matagumpay o maghirap sa ating
mga hinaharap na buhay. At bagkus ang lahat ng bagay na ito ay
nakadipende sa lahat na desisyon at mga gawa na ating ginamit sa bawat sandali
ng ating buhay. Nakapagtapos ka man o hindi sa pag-aaral, tayo ay may kalayaang
gawin sa pagpapa-unlad ng ating buhay o di kaya'y kung sa daang pagbagsak.
Sa wastong edukasyon na ating
matatanggap, sa disiplina at tiwala sa ating sariling kakayahan ang siyang
mahalagang sangkap sa ating pag-unlad. Kung saan saan sa bawat pagkamit ng
magandang pagkakataon sa ating buhay ay
buong pusong at katapatan natin itong natanggap. Walang sino man ang
tinatapakan bagkus, lalong nagiging determinasyon sa paggawa. Ito ang tunay at
walang katumbas na maaari nating makamit sa buhay.
Ang ating mahabang paglalakbay sa
landasin nitong ating buhay ay isang natatanging pagkakataong maaaring maganap
sa ating buhay. Ang maging makahulugan ang bawat sandaling na inilagi natin dito sa mundo. Sa bawat
edukasyong ating nakamit sa ating buhay, pagpapahalaga at tiwala sa sariling
kakayahan ang siyang ating mabisang panlaban, dito sa mundo na kung saan ang
lahat may may kakayahan maging maganda ang lakbayin ng kanyang buhay.
Sa wastong edukasyong nakasalalay sa
bawat pag-ukit natin sa ating sariling mga buhay. Na tungo sa maunlad na
LAKBAYIN NITONG ATING BUHAY!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento