Lunes, Oktubre 1, 2012

SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA?

SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA?
May kasabihan tayong “pagkatapos ng mahabang dilim ay sisikat din ang umaga”ang ating lipunang ginagalawan sa kasalukuyan ay aking masasabing nasa madilim nitong kaganapan. Madilim dahil narin sa ating pagkikiming balikat sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bayan. Pagiging bulag sa mga karaingan ng ating mga kababayan, sa mga suliraning tila ba'y wala nang lunas na maibibigay pa.
Sisikat pa kaya ang umaga? Yan ang katanungang naglalaro sa aking isipan habang nagsusulat ng maikakatha. Sa gitna ng gabing tahimik na tila ba? sa gitna ng katahimikang ito'y may mga nagtatagong ahas na handa kang sagpangin sa oras na ito ay iyong madaanan.
Katakot-takot isipin, ngunit ang mga ganitong kaganapan ay tunay nang bahagi sa realidad ng buhay na ating ginagalawan. Isang pangyayaring unti-unting sumisira sa lipunan na ang sukatan ay salapi at kapangyarihan. At sa isang gabing madilim na tila ba tayo ay nasa loob ng silo ng demonyo at halos hindi na makaalpas.
Sa bawat mukha ng ating lipunan, sa ating bayan, sa simbahan,pamayanan, pamahalaan at sa bawat pamilya na nananahan dito sa lupa ni inang bayan... Isang tanong ang nasang masagot. SISIKAT PA KAYA ANG UMAGA? Sa lupa ni inang sinukob na ng lagim at kahirapan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento