Linggo, Setyembre 30, 2012

MGA ALITAPTAP



Sa pagsapit ng hapon ang hangin ay humahalina
Mga puno sa kaparangan ay nagbibigay kalayaan
Mga ibong nag-aawitan at mga insektong nagsasayawan
Sa lawak ng kalangitan, mga bituin ay nagniningningan.

Ngayon sa pagsapit ng kinagabihan
Ako'y nagpasyang maglakad sa lawak ng bakuran
Sa kakahuyan dala'y lamig ng hanging yaman
Dito ako'y namangha sa aking nasumpungan.

Alitaptap! Alitaptap! Gulat ang siyang nausal ko
Sa itaas ng punong Akasya, Mangga at Bayabas
Mga kaygagandang sulo sa gitna ng karimlan
Silang nagsasayawan sa punong inaalayan...

Kay gagandang mga alaala
Mga alitaptap na sa isipan ay bumuhay
Sa mga nagdaang panahon ng aking kabataan
Nawa'y maulit pa ang dakilang naranasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento