Sabado, Setyembre 29, 2012

Ang Makata



ANG MAKATA
Ni Reggie Ibarreta
Akoy isang malayo dugong maharlika
Bunga sa katapangan ng lupaing malaya
Tinubuan ng mga bayaning bihasa sa digma
Handang iligtas ang bayan sa bingit ng tangka.

Ako'y isang makatang sumilang sa silangan
Pilipinas ang bansang siyang sinikatan
Lupain ng mga karunungan at kadakilaan
 Saan mang larangan inidolo at hinangaan.

Pilipino ang lahi ko at ako'y Pilipino
Lahi ng katapatan anuman ang nilakhan
Handang magtiis anumang dusa maranasan
Sa kabila ng kahirapan saya ang nagtatahan.

Ako'y isang makata sa lupaing katagalugan
Namalas ang buhay sa saya at kasawian
Minsan nagdildil ng asin upang tiyan malamnan
Isang makatang dilat sa karimlan nitong bayan.

Ako'y isang kayumanggi musa ng silangan
Sa perlas ng silangan siyang kinamulatan
Naging makata ng mga hinaing sa aking lipunan
Bukas ang isipan sa suliraning di na malulunasan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento