SI RIZAL AT ANG
PISO
Sa
bawat tula't titik na ipinanday
Sa
saliw ng kwentong taglay ay husay
Mga
karaingan ng tao sa pangil ng buhay
Sa
dakilang bayaning mulat sa lumbay.
Si
Rizal sa piso ay mukha ng ano?
Kasarinlan
ba? O pagkakaisa nitong bayan ko?
Isang
pagkilala sa kanyang dakilang puso
Upang
nahan ma'y siya'y maging ehemplo.
Itoy
isang pamanang walang kapantay
Lumipas
man ang taon siya'y buhay na buhay
Sa
puso at diwa ng lahing pinag-alayan
Kay
Inang Mahal na siyang tinubuan.
Si
Rizal sa bawat sentimong salaping ito
Ay
isang alaalang pinagbuklod ang tao
Saan
mang dako nitong umiinog na mundo
Siya'y
laging buhay sa isip at puso ng Pilipino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento