BABANG LUKSA
Ni
Reggie Ibarreta
Sa
bawat pagtangis natin dito sa lupa
May
katambal na dahilan bakit itinadhana
At
sa pagluhang ganap sa mga pag-alaala
Pagsariwa
sa nakaraan ang siyang ninanasa.
Ang
tao dito sa mundo ay panandalian lamang
Ngunit
sa kabila nito sila'y nabubuhay sa ala-ala
Sa
bawat taong kanilang mga nakasalamuha
At
maging sa mga kaibigan at naging tagahanga.
Ang
kamatayan ay darating kung ito'y takda na
Kaya
sa lahat ng panahon tayo'y dapat handa
Sa
biro ng tadhana na ginuhit ng ating kapalaran
Tayo
ay handa na sa araw ng ating pagpapaalam.
Sa
oras na dumating ang araw na itinakda
Kasiyahan
at kalungkutan ang mga sinasariwa
Hanggang
sa huling sandali ng ating hantungan
babang
luksa ang tanda bilang paggalang sa lumisan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento