Sabado, Setyembre 29, 2012

Mga alala sa isang pangako



MGA  ALA-ALA SA ISANG PANGAKO
Ni Reggie Ibarreta

Liham na sinulat sa papel, na itinago sa lumang baul
Sa paglipas ng panahon ay nalimot na ang kahapon
Kasabay din ng hanging naglaho sa dantaon
Ang mga pangakong nilisan na ng panahon.

Si Inang na nasa dapithapon na ng kanyang buhay
Pilit sinasariwa ang bawat araw na sa kanyang lumisan
Mga taong nakadaupang palad niya sa pagkabata
Mga naging kaibigan at mga minamahal sa buhay.

Mga taong lumisan na laging buhay sa isipan
Sa mga matatamis na pangako sa nagdaang kabataan
Na lalaging walang iwanan sa hirap o ginhawa man
Nagsimula sa kaibigan hanggang naging magkatipan.

Ang oras man ay lumilipas at taon ay lumisan
Pangako'y mananatili sa habang panahon
Pumanaw man at ang isa'y unang lumisan
Pangako'y mananatili hanggang kamatayan.

Pangako ng pag-ibig hanggang sa kabilang buhay
Mananatiling tapat sa nililiyag magpakailanman
Sa dalawang taong dalisay na nagmamahalan
Kahit dikta ng panahon ay  hindi mapipigilan.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento