ISANG PALERO
Ni Reggie Ibarreta
Saiyong maimpis na katawang sadlak sa hirap,
Mga kamay na nangingitim at hitik sa sugat;
Sa mga matang nananamlay at labing namumutla;
Gutom at hirap tinitiis upang pamilya'y mauwian;
Nang kaunting makakain makaraos lamang;
Kalkal dito, kalkal doon kahit saan basta basura naroon;
Hindi iniinda ang init at pagod na dala ng paggawa;
Isang gabi mababakas sa kanyang mga mata ang pagluha:
Pagtangis na kanyang pilit na ikinukubli;
Siya'y napatitig sa lawak ng kalangitan:
At nanalanging araw ay huwag nang lumisan;
Pagkat sa kanyang katanghalian:
Mga kapakanan ng musmos na anak ang siyang nasaisip;
Sa mga kinabukasan nitong sisilip;
At sa mga panahon pang darating;
Sa kanilang mundong sawi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento