BLANGKONG PAPEL
Ni Reggie Ibarreta
Sa isang puting sulatan
Na Blangko at walang laman
Papel na nilikha upang kathaan
Nang matalinong isip saan mang larangan.
Blangkong papel ikaw ang simula
Nang lahat ng mga aral at gintong pamana
Nitong kaalamang walang hanggan
Mga kaisipang nabuo dahil saiyong pamana.
Ikaw ang tanging yaman ng bawat manunulat
Sulatan at tipunan ng bawat aklat
Na likha ng tao saan dako man
Ang husay mo ay walang kapantay.
Sa lumang sulatan kong ito
Bawat hibla ng tinta ay iaalay saiyo
Pagkat aking itatala saiyo
Ang kwento ng buhay kong ito.
BLANGKONG PAPEL...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento