Sabado, Setyembre 29, 2012

Propeta



ANG PROPETA
Ni Reggie Ibarreta

Minsan ay nasa nating imulat ang ating mga mata
Sa ating mga nakikitang tila ba banta sa katotohanan
Nababalino na sa mga bagay na di natin inaasahan
Kung totoo ba? O hindi? Ang pinaniniwalaan.

Kung minsa'y dinidiktahan na ang daloy ng tadhana
Nitong mga propetang tila sila na ang gabay sa buhay
Mga pagtamang salita upang iwasan ang araw na sumpa
Sa bawat kamay ng taong ginuhitan na ang tadhana.

Tayo'y naging alila't napahinuhod sa magiliw na salita
Tila ba, turing nila sa sarili ay siya ang diyos na lumikha
Paniniwala nila sa sarili, sila daw ay nagbubuhos ng awa
Sa mga taong pinag-uusig ng mga maling mga gawa.

Sa mga hula nila'y pangyayaring takda lahat sa huli
Yaring natalastas ang mga araw na nasulat na
Ang mga kapalaran ng bawat tao sa kanyang pahinuha
Kahabag-habag kung minsan ang siyang nakikita.

Sila daw ay mga propetang pinagkalooban ng langit
Nangangakong mahigpit sa bawat salitang iguguhit
Minsan ay may kaunting pagsuway sa bawat naisin
 Sa katotohanan sila'y mga taong nagpapaka-diyos din.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento