Huwebes, Setyembre 13, 2012

Abogago


ABOGADONG ABUGAGO
Ni Reggie Ibarreta


 Aba si ginoo, pusturang-pustura
Akala mo'y papunta sa malaking pista
Mga honorableng pagbati mula sa inosenteng madla
Humahanga kay Ginoo, Kaya pala abogado pala!

Sa kumpas ng kilos akala mo'y santo
Mga pakitang ngiti siyang pinagpuputa
Ngunit aba! Itong si Ginoo Mala batubalani pala!
Basta kwarta dumikit tiyak kakapit.

Aba! Si ginoo kay galing sa kwento
Kahit halatang nagsisinungaling lang lumalaban pa
Porsyento de salapi madadagit
Kapag nanalo tiyak dodoble.

 Kay talinong mangmang
Honorableng abugado na! Abugago pa!
Kay buting tingnan sa loob pala kawatan
Lisensyadong taksil pala ng bayan.

Hangad ay magkamal
Kaya sa maling gawa sila bumibida
mapagkalulo't dorobong pusakal
Batas na pinipidal ng kriminal

talinong hasa sa pangagatso't lalang
Imbis sa kabutihan sa sama natimbuwang

Tama nga naman
Kapag masama may pera
kapag buti tiyak butas bulsa.
ABOGADONG ABUGAGO PALA!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento