Sabado, Setyembre 29, 2012

sa apat na mukha ng lipunan



SA APAT NA MUKHA NG LIPUNAN
Ni Reggie Ibarreta

Sa Pamahalaan
Ikaw daw ang arko nitong lupang sinilangan,
Dangal at kapangyarihan lugar ng kaligtasan;
Luklukan ng mga bayani, supremo ng kahusayan;
Gayong siya ding sentro ng mga karaingan.

Kung igalang kay isang templo ng sangkatauhan,
Laanan ng salapi't buhay para lamang makamtan;
Ikaw na siyang pamahalaan nitong bayan;
Daanan ng kapangyarihan at karangyaan.

Lahat ay handang isugal, makamit lamang,
Kasanayan at dunong ikaw daw ang imbakan;
Ngunit gayon may siya ding lugar ng kasalatan;
Pugad ng mga hudas na lalang nitong bayan.

Sa pag-iisip ko'y tila ikaw ay silo ng kamatayan,
Pagkat pagpasok saiyo lahat ay handang tapakan;
Pagkat maging buhay ko tiyak may paglalagakan;
Yan ang pamahalaan sa aking lupang sinilangan.


Sa Simbahan
Ikaw daw ay dakilang tahanan ng  tagapagsilang
Gabay sa kabutihan sa mga pagsubok ng panahon
At saiyong lilim na silong mga habagin naroon
Yun pala'y  mga demonyong nagkukubli sa patron.

Ngayon at sa mga nagdaang mga taon
Ikaw simbahan saan na naparoon?
Pagpasok saiyo'y silyado ng mga patron
Sa simbahang pugad ng  mga ulupong.

Ikaw ngayon simbahan ay saan na natuon?
Sa loob mo'y mga aral sa laswa naparoon
Isang kaybuting pari sa labas sa loob pala'y  hudas
Mga hayok sa mga musmos na puson.


Sa Mamamayan

Ikaw mamamayan ay ano sa lipunang ito?
Diba't ikaw diba ay larawan lamang nito?
Mukha ng kasarinlan at mga pagbabago
At siyang buhat at dugo nitong bayan ko.

Ngayon mamamayan saan ka naparoon?
Napaligaw at dumungis sa dangal na ito
Gayong sa katotohanan ikaw ay sakit na nito
Nang lipunang uhaw sa mga pagbabago.

Saiyo mamamayan bilang dugo at buhay
Ito ngayon ay nasang kamtan mo
Saan ka man tumungo, nawat tandaan mo
Lahat ng ito, ngayon ay simulan mo!


Sa Tahanan

Ikaw tahanan ay ano? Sa lipunang ito!
Salita ng isa, ikaw ang pundasyon ng bayang ito?
Humahasa ng bawat husay at galing ng tao
Pugad ng bawat simula at mga pagbabago.

Ngayon tahanan ay nasang sagutin mo
Nahan ka ngayon sa bayang ito?
Sukat bang akalain, pugad ka ng ano?
Salipunang ito ano ang halaga mo?

Sa tahanang una tayong hinubog at pinunla
Bilang simula ng dunong at pagmamahalan
Ngunit bakit gayon sa bayang ito?
Ikaw ay mukha at pangil ng kahirapang ito.

Saiyo tahanan na simbolo ng pagbabago
Siyang humuhubog sa sa bawat pagkatao
Sa tahanang bulag sa pagbabago
Ang bawat tao sa lipunang ito!











 













 










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento