Huwebes, Setyembre 13, 2012

Ubusan ng Lahi

Ubusan ng Lahi
Ni Reggie Ibarreta

Nagsiklab ang digma
Nagliwanag ang kidlat
Kasabay ng karimlang bumalot sa kalangitan
Na nauwi sa madugong pagluluksa
Matira matibay hanggang may humuhinga pa
Handang ipagtanggol pamilyang pinaglalaban
Kahit pa nasa silo ni kamatayan.

Ubusan ng lahi
Matira hanggang kamatayan
Sa tagpong magkatapat
Mga patak ng dugo hahalik sa kalupaan
At mga walang buhay na katawang nagkalat.

Angkan sa angkan!
Ubusan ng lahi yan ang tagpuan
Pumaslang o mapaslang sa gitna ng labanan
Alisin ang awa yan ang sukatan
Sa labang matira malakas.

Dahil sa dugo sa katawang takda ng katapangan
Walang sidlang saya sa pagwagi sa digmaan
Ngunit sa huli'y tatangis kapag isa'y lumisan
Dahil sa digmaang malalim ang dahilan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento