OBRA DE MANO
Ni Reggie Ibarreta
Sa
malinis na kaisipan ng mga tagapagsanay
Sa
mga kamay na bihasa't pinanday
Talino't
galing buong pugay na winagayway
Buong
mundoy namalas ang taglay na husay.
Kami
ay Pilipino na sanay sa pagpapagal
Sa
pagdungkal ng lupa, inalay ang buong buhay
Gamit
ang aming kamay sa paghanapbuhay
Sa
paggawa na hinangaan saan mang larangan.
Obra
de mano at ang pinoy ay pinagpupugay
Sa
mga likhaang sining kami ay hinahangaan
Bawat
gawa ay pawis at dedikasyon ang pinuhunan
Handang
maghirap upang pamilya ay matulungan.
Mula
noon hanngang sa kasalukuyang panahon
Tayong
mga Pilipino ay natanyag saan man naroon
Sa
mga nagpupunyaging kamay sa paggawa
Saan
mang larangan obra de mano sa paglikha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento