Sabado, Setyembre 1, 2012

Nais kong Lumuha


NAIS KONG LUMUHA

Nais kung lumuha kung kinakailangan
Ilabas ang hinanakit sa lipunang kinabililangan
Isang maralitang dahop hubad sa karunungan
Mamatay ng dilat yan ang huling hantungan.

Nais kong lumuha pagkat ako'y bilanggo
Sa mundo kong ito na puno ng panibugho
Nananalanging lahat ng suliranin ay maigupo
Sa buhay na lilo't mapag-udyok.

Nais kong lumuha pagkat ako'y bulag
Sa yaman at pusong kinakailangan
Upang ipagtanggol ang api't nangangailangan
Sa bayang dugo't pawis ang pinuhunan.

Aking Inang Mahal,Nais kong iluha
Ang sakit ng bayang nasang lampasan
Sa lahat ng kaganapang layang natunghayan
Sa lupang tinubuan sinuong ang karimlan.

Nais kong lumuha! Nais kong lumuha!
Sa mga karaingan ng ating bayan
Nananalig sa dilim ay may laging liwanag
Liwanag na papawi sa  silo ng karimlan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento