MGA ANAK NG BAYAN
Ni
Reggie Ibarreta
Sa
gitna ng kahirapan ay natutong lumikha
Nang
mga kaisipang ang layon ay pagpuksa
Sa
mga kawatang nagmamaneobra nitong bayan
Silang
mga bingi at ganid sa karaiingang bayan.
Mga
anak ng bayang natutong gumamit ng dahas
Nag-armas
upang ituwid ang mga kamalian
Mga
ideolohiyang pulitikal na pakana ng kawatan
Nasang
putulin at baguhin ang sistemang lipunan.
Welga
dito! Welga doon! Yan ang tabing ng lipunan
Sa
bawat instutusyong kumakatawan sa ating bayan
Laganap
na krimen at hocus pocus ay lantaran
Minsa'y
huli na! Matapang pa! itinatanggi pa.
Gayon
na lamang ba itong ang takbo ng kasaysayan?
May
pag-asa pa ba tayong aasahan sa ating lipunan
Pagkat
kung sino pa ang mabuti ay siya pang namamatay
Silang
bayaning kabataang nag-alay ng kanilang buhay.
Kami
ay mga anak ng bayan ang nasa'y pagbabago
Hindi
isang utopiang tulad ng mga nasaisip ninyo
Sa
mga salaping inyong kinakamkam
katumbas
nito ang libo-libong sawi sa kahirapan.
Isang
pagtatamang tayo ay demokratikong bansa
Ngunit
dinastiya ang siyang namumuhunan
Bayang
ang ugat ng sakit mula pa sa kasaysayan
Kaming
kabataang minamana ang maling gawa ng bayan.
MABUHAY
ANG MGA ANAK NG BAYAN!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento