Lunes, Setyembre 10, 2012

Mga Batang Skwater

MGA BATANG SKWATER
Ni Reggie Ibarreta

Minsan pa ay aking napagmalas ang nagdaang sa aking kabataan
Nakikita sa mga bagong sibol ng mga bata ang katauhang na nakaraan
Na nagpapagunita sa akin ng mga panahong lumisan
Panahon ng kamusmusan sa aking buhay ng kabataan.

Ang mga batang skwater yan kami kung turingan
Na ang silong ng bahay ay nasa tabi lamang ng ilogan
Ngunit mgakaganoon pa man ay pinagmamalaki ko ito
Na ako man ay lumaking hirap sa ugali naman ay di salat.

Ang mga buhay skwater sa buhay na kinagisnan
Simple ngunit  ang kahirapan ang kinamulatan
Lahat ay handang gawin upang tiyan ay malamnan
Kayod kalabaw upang ang gutom mapunan.

Laro dito! laro doon! Tila di matapos ang panahon
Away dito! Away doon!  Sa huli ay magkabati naman ang layon
Sa away paslit na di maiiwasan at kampihang tulungan
Labanan! Labanan! Handang makipagbuntalan.

Ang mga batang skwater tulad ko na dikta ng panahon
Mga karanasang hinubog sa paglipas ng bawat hapon
Sa mga aral na natutuhan sa nagdaang kabataan
Isang batang skwater na pinatatag ng buhay doon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento