Lunes, Setyembre 10, 2012

Ito ang Lipunan Ko!

ITO ANG LIPUNAN KO!
Ni Reggie Ibarreta

Isa ito sa mga nakita ko
Karalitaan na sakit nitong bayan ko
Buhay mo tinumbasan ng salapi ko
Krimen at pagpaslang siyang batas ko.

Ito ang lipunang kinabibilangan ko
Lipunan ng lamok at lintang ganid sa dugo
Buhay pa ako sunog na ang kaluluwa ko
Pagmamalaking ito ang lipunang nabilang ako.

Ito ang lipunan ko at ito ay ako
Kakabit ng bituka ko ang buhay ko
Matira ang matatag yan ang sukatan ko
Sa lipunang ito ang mahina'y lumpo.

Ito ang lipunan ko
Lipunang pinatay na ng panahon
Sa kabila ng isang dipang kapalaran ko
Tatag ng sikmura ang laban ko.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento