Lunes, Setyembre 10, 2012

Dapithapon

DAPITHAPON
Ni Reggie Ibarreta

Sa lilim ng isang punong mangga
Pilit ipinipinta sa isipan ang mga nakikita
Sa masarap daloy ng hanging humahalina
At mga awit ng ibong nakakapagpasigla.

Sa ilalim ng punong ito ay aking napagmalas
Ang unti-unting paglubog ng araw sa kalangitan
Nagsasabing araw ay lilipas na
Tungo sa isang gabing malaya.

 Isang araw, Isang gabi
Isang Bukangliwayway, Isang Dapithapon
Sa buhay nating ipinagpala
Sa bawat araw na sa atin binibiyaya.

Ang dapihapon na ito
Masaya at nakakahalina
Sa gitna nito'y nauukit
Ang araw ng pagkakalaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento