Sabado, Setyembre 29, 2012

Maniningalang Pugad



MANININGALANG PUGAD

Sa kabataa'y laro lamang  ang umiikot sa isipan
Kasiyahang alaala mula umaga't kinahapunan
Sa matatamis na ngiti sa labing napapalamutian
Ninasang di na matapos ang bawat sandali.

Ngayon sila'y nagbinata't nagdalaga na
Mga araw sa nagdaang kabataan ay nalimot na
nagbago ang bawat pananaw, tumayog ang isipan
Sa mundo'y likha ng mga bagong kabanata.

Dumating ang araw na siya na'y nanunuyo
Nang pag-ibig sa dilag nap pinupuso
Na kung dati ay hilig lamang ang paglalaro
Ngayo'y nanunuyo makuha lamang ang puso.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento