Sabado, Setyembre 1, 2012

Ang Makasalanan


ANG MAKASALANAN


Siya'y isa lamang sa mga napaligaw,
Isang musmos na kabataang tinalikdan:
Nang lipunang siyang dapat nagtatahan;
 Sa isang bubot na isipang  kinagisnan.

Sa pagkabatay ninakawan  ng karapatan;
Naging biktima ng mundong makasalanan;
Maagang nasadlak sa kuko ng karimlan;
Sa murang gulang naging hudas ng lipunan.

Isa daw siyang batang makasalanan?
Sa mata ng tao ay puno ng suklam at uyam;
Nilayuan at hinusgahan ng lilong lipunan;
Tanging nakita kundi ang bahid ng kasamaan.

Siya daw ay isang makasalanan?
Mula pa man sa kanyang pagsilang:
Pagkat kanyang ama daw ay pusakal;
Isang salot na likha ng lipunan.

Siya daw ay isang anak ng pagkakasala?
Pagkat kanyang ina'y isang bayaran;
Nasa murang isipan ay hinusgahan;
Nang mga maling paniniwala ng bayan.

Usal ng isa'y siya daw ay isang ugat;
masamang ugat na dapat layuan;
Nang lipunang ang bahid ng kasakiman;
Sa lupa ni inang pinagsamantalahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento