Sabado, Setyembre 1, 2012

Ang Tao sa Iisang Tanghalan



ANG TAO SA IISANG TANGHALAN

Ang bawat tao sa mundo ay nasa iisang tanghalan
Iisa ang saliw ng karakter na ginagampanan
Ang makibaka sa mundo hanggang kamatayan
Umukit ng  kapalaran sa hiwaga ng sangkatauhan.

Ang bawat tao ay nasa iisang tanghalan
Ano man ang iyong ngalan, katayuan at lahing pinagmulan
Tayo dito sa mundo ay artistang umuukit ng pangalan
Magpunyagi man o madarang sa isang dipang kapalaran.

Ikaw? Ako? Tayong lahat na nabubuhay sa mundo
Tila isang nililok na sining sa ganda't katangian
Hinuhulma sa gampaning may natatanging kakayahan
Kakayahang tunay na siyang ipinagkatiwala.

Tayong lahat at nasa iisang tanghalan
Tanghalang sumusubok sa ating napiling daan
Isang pelikulang may dalang lungkot at kasiyahan
Nasa bawat wakas ng plaka ay may aral na nilalapatan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento