Lunes, Setyembre 10, 2012

Mga Atsay ng Bayan


MGA ATSAY NG BAYAN
Ni Reggie Ibarreta
Sila'y turingan kung ano? Sa lipunang kinabibilangan
Mga taong nakipagsapalaran upang hirap matakasan
Sa bayang na ang sukatan ay salapi at karangalan
Mula sa liblib ninasang marating ang kalungsuran.

Kung minsan sila ay naging alila sa kamangmangan
Sinasamantala ang inosenteng kamalayan
Sa mabangis na lungsod na lalang ni kamatayan
Na sentro ng mga kasalanan at mga kahalayan.

Noon hanggang sa kasalukuyang kasaysayan
Pagtingin sa kanila'y busabos at walang pakinabang
Minsa'y kinatutuwaan at pinagsasasaan
Ang mga kaawa-awang pobreng inalisan ng karapatan.

Sila daw ang mga atsay nitong bayang sinilangan
Kaawa-awa ang kinasadlakan dahil narin sa kahirapan
Mga inabuso dahil narin sa kawalan ng pinag-aralan
At Inalila ng labag sa kanilang mga kalooban.

Kung noon atsay ngayon naman ay kasambahay
 nabago man ang ngalan sila ay nakalibing padin sa hukay
Sa kamay mga taong manhid na sa kabutihan
Na ang nasa ay mandagit ng mga pobreng sisilatin.

Kung totoo mang ang batas ng tao ay may pangil siyang tama
Bakit gayon nalamang ang kinahihinatnan?
Isang pagtatama na kung saan ang mali ay tama
Sa batas ng tao na bulag sa karaingan.
Sila man ay mga taong may katawa't pusong nasasaktan
di nalalayo sa ating mga magandang kinamulatan
Naiba  lang sila'y salat at hirap ang kinalakhan
At di maitatanging tayo'y iisa lang ang hantungan.

Kung minsay turingan natin silang atsay o alila man
Ngunit lalaging bilog ang mundo sa guhit ng kapalaran
Sila'y  maitatanging bayani nitong bayan
Larawan ng tunay na imahe ng kasipagan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento