Miyerkules, Oktubre 3, 2012

LAKBAY BUHAY


LAKBAY BUHAY
Ni Reggie Ibarreta

Oras na lumisan, naglalahong bula
Sa hiwaga ng panahon na itinala
Araw na tinakda na siyang simula
Wakas ng dapithapon na nalalapit na.

Sa bawat pagsulong ng buhay na likha
Mga kataling pusong inalayan ng luha
Sa bawat paglisan, darating ang simula
Sa paglalakbay sa yugto nitong buhay.

Ang lakbaying hamo't bigkis sa tuwa
Iniilawan ng sulo sa diwa't pagluha
Ngunit nagbibigay saya sa tapos na pita
Taglay ang alaala sa nagdaang pagdurusa.

Sintang kay giliw sa bawat pag-ibig
Mga bahagi ng sandali ng unang pagniig
Sa  mga bawat pasyang nakapagligalig
Sa pagsungkit ng  puso, ni sintang iniibig.

Ang lakbayin ng buhay ay pagkukubli
Sa layon ng sandali na pilit minithi
Sa haplos nn samyo hanging nakangiti
Pagsasamang mabuti sa araw na pagbalik.

Sa lungkot at kasiyang na bininhi
Pakikisama sa bawat tipak ng sandali
Anumang pahina nitong buhay na nilipi
Sa akdang ito ang buhay sa lakbayin.

Anang kawikaan: Walang matimtimang
Birhen sa matiyang nananalangin
Nawa'y dapat laging nating pakaisipin
Na ang buhay ay puno ng pagpapasakit.

Bawat pagsubok ng duyan na lunggati
Ninasang lakbayin sa buhay na sinipi
Sintang duyan na ating titingalain
Bukas makalawa sa hamon lulugmok din.

Lakbay buhay sa mundong may lumbay
Mga tao'y karakter sa bawat paglalakbay
Na laging sa huli ay iisa ang kakamtin
Sa huling sandali, mga alaala ay sasariwain.

Ang mga aral sa sandali ng ating lakbayin
Tanging alaala sa panahon sa buhay natin
Pagmamahal at pakikipamuhay sa bawat isa
Sa LAKBAYIN NG BUHAY  sa mundomg atin.









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento