K-PINOY!
Hindi maitatangging sa loob ng mahigit dalawang taong na iyong
panunungkulan bilang siyang may pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan
nitong ating bansa ay marami ka nang nagawang matatagumpay na bagay. Kabilang
na nga dito ang iyong mga puspusan at malawakang kampanya kontra sa malawakang
korupsyon laban sa mga tiwaling opisyal at mga kasabwat nitong lalong
nagpapalubog sa ating bansa. “Isang sakit na tila walang kalunasan na nakakabit
na sa ating buhay mula pa noong panahon ng kolonyal.”
Samantala, Ilan sa sa mga ito ay iyong matagumpay na napatunayan mula
iyong pamunuan ang pagpapatalsik sa katungkulan ng mga taong sa paningin ng
lahat ay mga “ MIDNIGHT APPOINTEES”
ng lumipas administrasyon. Paghuhukom sa mga
ito bilang silang mga mata ng dating pangulo at kasabwat nito sa mga gawang
nagpapahirap sa ating bayan. Silang mga kumikita't lumalangoy sa dugo at pawis
ng ating mga pobreng mamayan.
Ngunit ito ang tanong ko, Bakit kong gayon sa iyong panunungkulan ay
lagi na lamang kasama sa iyong mga pasaring ang mga sinasabing pagkakasala noon
ng dating Pangulong GLORIA MACAPAGAL ARROYO? dabat bang siya na lamang ang
maging bida sa mga pasakalyeng ito na kung saan hindi mo man literal na
sinasabing siya ay halatang- halata naman ang mga mensahe ng salita mo?
Kailangan pa bang ipangalandakan mo sa kanyang harapan ang mga
sinasabing mga kasalanan niyang nagawa noon? Kung gayon sa iyong pamunuan ay
parang inuulit mo lamang ang mga bangungot na iyon ng ating kasaysayan...
Bakit ko nga ba nasabi? Yun ay dahil pilit mong itinatago sa likod ng
dating pangulo ang mga masasamang nagaganap sa iyong pamunuan sa kasalukuyan...
Sa mga pagpupulong at ilang mga talumpating binitiwan mo at sa dalawang
taong SONA na binigkas mo sa sambayanan ay pilit mong inililimbak sa isipan ng
mga mamamayan ang nagdaaang kagusutan...
katawa- tawang isipin, bilang siyang may pinakamataas na katungkulan sa
republikang pamahalaan nitong ating bansa ay siya pang nangunguna sa paglabag
sa etika ng karapatang pantao. Ikaw bilang siyang aming pinuno, di dabat maging
makatao ka? At kahit gaani man kasama ang nagawa ng taong ito ay karapatan parin siyang bilang
lehitimong mamamayan ng ating bansa.
Sa kabila ng kanyang pananahimik ay kabi-kabilang pasaring ang
ipinupukol mo sa kanya. Nariyan ang lantarang konong pandarambong niya sa
kanyang pamunuan, korupsyon at pagtataksil sa ating bayan at sa ating mga
mamamayan nito...
Kung gayon bilang isang
propesyunal na mamamayan, ganyan ba ang nararapat na solusyon na dapat ibigay
sa kanya?
P-NOY, ang masasabi ko lang, ngayon ikaw ang nasa kapangyarihan... lagi
mo sanang isaisip na nagkamali man ang nagdaang pamunuan... nawa'y huwag mo
nang sundan, bagkus gawin mo ang mga bagay na magbibigay liwanag sa dilim na
likha ng nakaraan at huwag nang “SISIHAN NG SISIHAN”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento