Martes, Disyembre 4, 2012

M L Y K M L Y!

M L Y K M L Y!
Ni Reggie Ibarreta

Ang Pilipinas natatanging lupain ng mga pilipino
Bayang siyang sinilangan kakabit ng dugot laman
Lupaing ating unang namalas ang dakilang sikat ng araw
Humubog sa ating isipang hinubog ng panahong nagdaan.

Maraming taon na ang lumipas,ng tayo'y napaglamangan
Nang mga dayuhang sukab at mapanglinlang na kawatan
Binusabos ang ating bayan sa sarili nating kalupaan
Nilinlang ang mga tao upang puri't kapangyarihan kamtan

Ngayon ang parehong bakas ng mga taong lumipas
Ay nananatiling laganap sa bayang kinamulatan
Isang bayang laganap ang lagim ng nakaraan
Sa bawat institusyong pinupugaran ng mga gahaman.

Malayang kamalayan sa lahat ng kaganapan
Sa bawat sandaling sinusukob ito ng mga kasalanan
Tao'y nananatiling bulag sa mga katotohanan
Nananatiling biktima sa mundong walang kamalayan.

Nasa kong maipabatid sa aking mga mahal na kababayan
Nawa'y mata natin ay buksan sa tunay na kinasasadlakan
Matutong lumaban kung kinakailangan
Buksan ang ating mga isipan sa tunay na
MALAYANG KAMALAYAN!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento