Lunes, Disyembre 10, 2012

Sa Parke



 Sa Parke
Ni Reggie Ibarreta
Isang tanghaling tapat sa araw ng lingo
Akoy  nagpasyang magliwaliw sumulat ng kwento
Sa mga bagay- bagay na napagmalas ko
Sa parkeng kayganda’t romantiko.

Pagpasok pa lamang sa gate ay humanga na ako
Nausal na ganito, kayganda sa lugar na ito
 Ibang- iba sa parkeng pinupuntahan ko noon
Ngayon ay mas maganda at sibilisado.

Ito'y isang paghangang minsang pang naranasan ko
Makakita ng mga puno"t maramdaman ang samyo ng hangin sa pagkatao
Tila ba sa bawat pagdampi nito sa bawat pagkakataon
Sa parke ang lahat ng ito ay naging totoo.

Sa parke kaydami ng iyong makikita
Malalagong mga halaman at nagliliparang mga ibon
Sa mga paru-parong nagliliparan
Sa mga halamang ginto nitong dakilang kapaligiran.

Mga kabataang nagsasaya habang naglalaro
Habulan, taguan, piko at maging pag-akyat sa mga puno
Mapagmamalas mo ang tunay na ganda ng mundong ito
Sa kanilang mga ngiting nakakaamo.

Ngayong hapong ito, sa parkeng pinaroonan ko
Habang nag-iisa sa lilim ng malagong puno
Nagsusulat ng simpleng tulang ito
Dito sa parkeng makulay ang mundo.


1 komento: