BUSABOS SA GULONG NG PAGGAWA
Ang ating mga bayaning mangagawa sa harap ng
kahirapan
Natutong
magtiis, upang tiyan ng pamilya’y malamnan
Magbanat
ng buto, mula umaga hanggang kinagabihan
Kapalit
ng ilang sentimong barya na hindi man lang sasapat.
Kadenang
bakal na gumagapos na sa ating lipunan
Mga
kaawa-awang pobreng minsan ay nilalamangan
Nang
ilang mga taong ganid at pahirap sa ating lipunan
Minsan
di pa nakuntento’t binubusabos pa ang ating bayan.
Tayong
mga Pilipino, mahirap, ngunit iyon ang katotohanan
Mga
biktima ng mga busabos ng gulong sa paggawa
Ating
inosenteng kamalayan, na ginagamit upang pagsasaan
Nitong
mga taong manhid na ang awa sa kanilang kapwa.
Ang
ating matagal ng adhika ay makamtan ang magandang bukas
Isang
maunlad at progresibong bayan na walang tunggalian
Walang
pang-aalipin sa kapwa at lahat ay nagbibigayan
Tila
isang panaginip na lamang na ating pinakaaasam.
Hanggang
ang ating bayan ay lugmok sa katiwalian at kahirapan
Natitiyak
kong, ang lahat ng ito’y walang patutunguhan
Sa
mgap atuloy na suliranin na tila wala nang katapusan
Dito
sa ating mahal na Inang busabos na sa
paggawa.