Biyernes, Hunyo 20, 2014

BUSABOS SA GULONG NG PAGGAWA
Ang  ating mga bayaning mangagawa sa harap ng kahirapan
Natutong magtiis, upang tiyan ng pamilya’y malamnan
Magbanat ng buto, mula umaga hanggang kinagabihan
Kapalit ng ilang sentimong barya na hindi man lang sasapat.

Kadenang bakal na gumagapos na sa ating lipunan
Mga kaawa-awang pobreng minsan ay nilalamangan
Nang ilang mga taong ganid at pahirap sa ating lipunan
Minsan di pa nakuntento’t binubusabos pa ang ating bayan.

Tayong mga Pilipino, mahirap, ngunit iyon ang katotohanan
Mga biktima ng mga busabos ng gulong sa paggawa
Ating inosenteng kamalayan, na ginagamit upang pagsasaan
Nitong mga taong manhid na ang awa sa kanilang kapwa.

Ang ating matagal ng adhika ay makamtan ang magandang bukas
Isang maunlad at progresibong bayan na walang tunggalian
Walang pang-aalipin sa kapwa at lahat ay nagbibigayan
Tila isang panaginip na lamang na ating pinakaaasam.

Hanggang ang ating bayan ay lugmok sa katiwalian at kahirapan
Natitiyak kong, ang lahat ng ito’y walang patutunguhan
Sa mgap atuloy na suliranin na tila wala nang katapusan
Dito sa ating mahal na Inang  busabos na sa paggawa.








                                                        





YOU CAN NEVER BACK THE LIFE ONCE YOU RUIN IT.
We appreciated the time that a man who used to offered
 Even his owned once life for his beloved country.
The moments that people was able to unite
Just to continue his legacy in life.
One Voice! One Nation!
Freedom and Democracy shall prevail
In this nation who became the grounds of all the maladies
That the annals of our history condemn.
You can never back the life once you ruin it
But we can never judge the history once that this event happened
  And because of it that man might become a trigger to create another
Waves in the timeline of greatness and messianic influence
The Philippines context of political struggle
Thousands of lives were wasted
Thousands of innocents were lost
And countless number of casualties was continuously suffered
In this ground of battlefield where the life is so cheap.
So be it!








HUWAD NA POON
May mata ngunit hindi nakakakita
May kamay ngunit hindi nakakahawak
Isang huwad na poon na siyang sinasamba
Nitong isang bayang na tila isang bulag sa katotohanan.

Minsan lumuluha ng dugo na isa daw himala
Makapagpapagaling ng anumang karamdaman
Dudumugin ng kabayanan
Lalasunin ang mga inosenteng isipan.

Ito ba’y isang sumpa? O silong lalang?
Dito sa ating bayang lubog na sa karimlan
Sa iba ito daw ay tama at dapat  pag-alayan
Sa iba nama’y ito daw ay mali at pagsuway
Sa banal kautosan ng ating Lumikhang naglalang.



SA SILID NG PAG-IISA

                Ang takbo ng aking isipan ay umiikot lamang sa iisang bagay
Ito ay sa mga gunitang nakapaloob sa aking pagkabata
Panahon na kung saan ako lamang ay inosenteng kabataang ang
Sa isipan ay pawang laman lamang ay kasiyahan.
Isang ala-alang di kaya mang tumbasan ng anumang materyal
Na bagay.
Sa isang tipak ng aking kabataang gulang
Kasama ang mga taong siyang humubog at gumabay
Sa mga di ko malilimutang storya ng aking pagkabata
Silang nagbigay ningning  ng liwanag sa hiram kong buhay.
Sila Lolo’t Lola at sa lahat ng taong aking mga nakasama
At nakadaupang palad sa mga masasaya at malulungkot
Na sandali ng aking buhay.
Ang mga mahahalagang taong aking nakasama, pamilya, kamag-aral,
Mga dating kaibigan at mga bagong nakilala
Silang lahat at ang kanilang mga ala-ala
Dito sa aking silid sa mga sandali ng aking pag-iisa,
Silang nagbibigay buhay sa bawat gunita ng aking isipan.
Silang aking buhay sa aking makahulugang paglalakbay
Sa mayamang yugto ng aking buhay
Na pinunan ko ng masasayang ala-ala

Habang ako’y nasa silid at nag-iisa.

Saplot

BASAHANG SAPLOT
Ni Juan
Sa silong ng tulay kung saan sila tumutuloy
Si nanay,tatay, si ate, kuya at si bunso
Maliit yayat na kung mamasdan moy tila
Isa ng buhay na bangkay.
Si nanay tangan-tangan ang isang munting pusa
Na kung mamasdan ay tila katulad na nila
Na ang danas ng munting hayop ay halos
Katulad o higit pa  sa kanila.

Kaawa-awa kung titingnan, halos maluha na nga
Lamang ako sa kanilang kalagayan
Lahat ng mga bata’y halos butot balat ang mga katawan
Habang minamasdan ko ang kanilang paliligo sa ulan.
Ang isa sa gilid namay labis ang iyak
Habang si nanay ay abala sa kanyang ginagatong sa
Paglulutuan.
Naisip ko nalang, marahil si bunso ay hindi pinayagang maligo
Sa gitna ng ulan.
Basahang Saplot ito ang unang dumantay sa isipan
Sa katunayan bakit ko nga pala ito kinumpara
Gayong oo nga’t madungis ang mga bata, walang pormal
Na kasuotan at nanlilimahid ang katawan
Marahil siguro Basahang Saplot dahil ito ang
Isang mahalagang bagay na sumasalamin sa ating kahirapan

Na kung saan kabataan ang siyang higit na nakararanas.

Biyernes, Mayo 31, 2013

PASASALAMAT SAIYO,AKING AKLAT NG KARUNUNGAN

PASASALAMAT SAIYO, AKING AKLAT NG KARUNUNGAN
Ni Reggie Ibarreta

Noon sa aking kabataang gulang ay napag-alaman
Na ang pag-aaral ay isang yamang dinudungkal
Pinaghihirapan at sa bawat araw ay pinagpapawisan
Sa huli ay aanihin upang ating mapakinabangan.

Maraming taon ang lumipas hanggang magbinata
Natapos ang primarya, kalauna'y nagsekundaya
Mga bagong pakikibaka ang siyang naghahantay
Sa aking bagong buhay sa yugto ng aking skwela.

Apat na mahabang taon ay pilit na nilampasan
Katuwang  ang aking mga aklat ng karunungan
Upang matapos ang ikawalang yugto ng pag-aaaral
Sa yugtong ito ng makahulugan kung buhay.

Natapos ko ang sekundarya ng masayang masaya
Ngayon ay nasa kolehiyo at bagong simula naranasan
Mga bagong kaibigan at nakilala sa  araw na lumipas
Tulong-tulong sa bawat asignatura ng pag-aaral.

Ngayon ako'y magtatapos na...
Maligayang  makatapos at magkaroon ng diploma
Kasama ang aklat ng karunungang  sa bawat araw
Sa hirap at pagsubok nariyan ka upang ako'y tulungan
Salamat... Salamat  saiyo aking kaibigan

Huwebes, Pebrero 14, 2013

Ang Balaraw

ANG BALARAW
Ni Juan
Sumiklab ang digma
Sumigaw ang sandatahan
Handang mamatay para sa kalayaan
Karapatan ang siyang ipinaglalaban.

Andres Bonifacio: Supremo ng katipunan
Modelo ng kagitingan sa gitna ng kawalan
Inalay ang buhay para kay Inang Bayan
kasama ang balaraw sa gitna ng digmaan.

Ang Pilipinas: Ang siyang ating sinilangan
Lupain ng katapangan at kahusayan
Tinubuan ng mga pinagbunyi ng kasaysayan
Iniidolo ng lahing silangan.

Ang Balaraw: Sa loob ng dalitang lumisan
Kasama sa hirap at ginhawa
Sa gitna ng digmaan at karalitaan
Itinaas sa lawak ng kalangitan.