Martes, Disyembre 18, 2012

K-Pinoy!


   K-PINOY!

     Hindi maitatangging sa loob ng mahigit dalawang taong na iyong panunungkulan bilang siyang may pinakamataas na posisyon sa ating pamahalaan nitong ating bansa ay marami ka nang nagawang matatagumpay na bagay. Kabilang na nga dito ang iyong mga puspusan at malawakang kampanya kontra sa malawakang korupsyon laban sa mga tiwaling opisyal at mga kasabwat nitong lalong nagpapalubog sa ating bansa. “Isang sakit na tila walang kalunasan na nakakabit na sa ating buhay mula pa noong panahon ng kolonyal.”
     Samantala, Ilan sa sa mga ito ay iyong matagumpay na napatunayan mula iyong pamunuan ang pagpapatalsik sa katungkulan ng mga taong sa paningin ng lahat ay mga “ MIDNIGHT APPOINTEES”
 ng lumipas administrasyon. Paghuhukom sa mga ito bilang silang mga mata ng dating pangulo at kasabwat nito sa mga gawang nagpapahirap sa ating bayan. Silang mga kumikita't lumalangoy sa dugo at pawis ng ating mga pobreng mamayan.
     Ngunit ito ang tanong ko, Bakit kong gayon sa iyong panunungkulan ay lagi na lamang kasama sa iyong mga pasaring ang mga sinasabing pagkakasala noon ng dating Pangulong GLORIA MACAPAGAL ARROYO? dabat bang siya na lamang ang maging bida sa mga pasakalyeng ito na kung saan hindi mo man literal na sinasabing siya ay halatang- halata naman ang mga mensahe ng salita mo?
     Kailangan pa bang ipangalandakan mo sa kanyang harapan ang mga sinasabing mga kasalanan niyang nagawa noon? Kung gayon sa iyong pamunuan ay parang inuulit mo lamang ang mga bangungot na iyon ng ating kasaysayan...
     Bakit ko nga ba nasabi? Yun ay dahil pilit mong itinatago sa likod ng dating pangulo ang mga masasamang nagaganap sa iyong pamunuan sa kasalukuyan...
     Sa mga pagpupulong at ilang mga talumpating binitiwan mo at sa dalawang taong SONA na binigkas mo sa sambayanan ay pilit mong inililimbak sa isipan ng mga mamamayan ang nagdaaang kagusutan...
     katawa- tawang isipin, bilang siyang may pinakamataas na katungkulan sa republikang pamahalaan nitong ating bansa ay siya pang nangunguna sa paglabag sa etika ng karapatang pantao. Ikaw bilang siyang aming pinuno, di dabat maging makatao ka? At kahit gaani man kasama ang nagawa  ng taong ito ay karapatan parin siyang bilang lehitimong mamamayan ng ating bansa.
     Sa kabila ng kanyang pananahimik ay kabi-kabilang pasaring ang ipinupukol mo sa kanya. Nariyan ang lantarang konong pandarambong niya sa kanyang pamunuan, korupsyon at pagtataksil sa ating bayan at sa ating mga mamamayan nito...
    
     Kung gayon bilang  isang propesyunal na mamamayan, ganyan ba ang nararapat na solusyon na dapat ibigay sa kanya?
     P-NOY, ang masasabi ko lang, ngayon ikaw ang nasa kapangyarihan... lagi mo sanang isaisip na nagkamali man ang nagdaang pamunuan... nawa'y huwag mo nang sundan, bagkus gawin mo ang mga bagay na magbibigay liwanag sa dilim na likha ng nakaraan at huwag nang “SISIHAN NG SISIHAN”
     

Martes, Disyembre 11, 2012

ARAL SA MGA KLASIKONG TUGTUGIN
Ni Juan

Tuwing araw ng linggo ako'y nagsasaya
Sa pakikinig ng mga tugtuging klasiko ang tema
May Beatles,Carpenters,Sinatra at maging Elvis Presley man
Sa kanilang mga tugtuging kapupulutan ng mga aral...

Kaya sa tuwing araw ng linggo
Mga tugtuging ang mensahe sa klasiko ang tema
Minsan maluluha ka sa ganda na tinatalata
Sa mga lumang tugtuging buhay na pamana...

Mga kapupulutang aral ang siyang makukuha
Sa awitin ni Florante,Asin o kaya kay Fredie Aguilar man
Tulad ng isang ibong sa kalangitan ay may kalayaan
Handog sa bayang na siyang tinubuan...
KANDILA SA LOOB NG BASO
Ni Juan
Ngayon ay araw ng linggo
Hindi ko inaasahang sa gitna ng hapunan
Ay biglang mawawala ang kuryente sa gitna ng kasayahan
Hindi ko talaga inaasahan ang kaganapang bagay...

Maingat kong minalas ang silab ng apoy sa kandila
Ito'y inilagay ko sa loob ng isang baso
Sa mala kahel at asul na apoy na pinagsama
Tila ba sa silab ay may mensaheng nasang ipaalam

Ang kandila sa loob ng baso
Sa gitna ng karimlan ay tila mananakop
siyang haring umaakit sa mga matang pmapagkuro
Nasang lapitan dahil sa kinang na pinaghahawakan.

Sa silab ng apoy lahat ay napapaso kapag ito'y hinawakan
Ngunit sa iba, ito'y magandang pagkakataon upang magpugay
Nang isang balak na di inaasahang maganap
lalo't sa gitna ng liwanag ay naghihintay lamang ang mananambang.

PAGGAWA

PAGGAWA
Ni Juan
Sa tayog ng kaalamang humubog sa sangkatauhan
Lakas at kakayahang tunay na pinagyaman
Sa gitna ng paghihikahos at mga pakikipaglaban
Dito sa mundong humasa sa ating kakayahan.

Alingawngaw ng tunog na sinabayan ng batingaw
Istrukturang katedral na siyang pinagkamatayan
Diniligan ng pawis at dugong pinatakan
Buong lakas paggawang itinayo't pinaghusayan.

Mga mangagawa na pagod at lakas ang pinuhunan
Sa paggawa sa ikakaunlad nitong bayan
Nawa'y atin sanang bigyan ng kapurihan
silang mga bayaning matuwid ng aing bayan.

Sa bawat paggawa na buhay ang inialay
Para sa pamilyang mahal na tanging inalayan
Nang kahit kaunting kasayahan sa hamon ng buhay
Na silang mga hinasa sa kuko ng kahirapan.



Lunes, Disyembre 10, 2012

Sa Parke



 Sa Parke
Ni Reggie Ibarreta
Isang tanghaling tapat sa araw ng lingo
Akoy  nagpasyang magliwaliw sumulat ng kwento
Sa mga bagay- bagay na napagmalas ko
Sa parkeng kayganda’t romantiko.

Pagpasok pa lamang sa gate ay humanga na ako
Nausal na ganito, kayganda sa lugar na ito
 Ibang- iba sa parkeng pinupuntahan ko noon
Ngayon ay mas maganda at sibilisado.

Ito'y isang paghangang minsang pang naranasan ko
Makakita ng mga puno"t maramdaman ang samyo ng hangin sa pagkatao
Tila ba sa bawat pagdampi nito sa bawat pagkakataon
Sa parke ang lahat ng ito ay naging totoo.

Sa parke kaydami ng iyong makikita
Malalagong mga halaman at nagliliparang mga ibon
Sa mga paru-parong nagliliparan
Sa mga halamang ginto nitong dakilang kapaligiran.

Mga kabataang nagsasaya habang naglalaro
Habulan, taguan, piko at maging pag-akyat sa mga puno
Mapagmamalas mo ang tunay na ganda ng mundong ito
Sa kanilang mga ngiting nakakaamo.

Ngayong hapong ito, sa parkeng pinaroonan ko
Habang nag-iisa sa lilim ng malagong puno
Nagsusulat ng simpleng tulang ito
Dito sa parkeng makulay ang mundo.


Huwebes, Disyembre 6, 2012

Gunita

GUNITA

Ang kabataang nagdaan tila ba kailan lang
Mga oras na lumipas di man lang namalayan
Sa mga panahong lumisan sa alaala ng kabataan
Pagsasariwa sa nagdaan ang siyang laging nasa isipan.

Noon, ngayon at maging sa hinaharap man
Di malilimutang minsang ako'y naging bata man
Namuhay sa baryo at malayo sa kabihasnan
Ngunit sa ganda ng kapaligiran na tunay yaring yaman.

Ngunit higit pa diyan ang aking naranasan
Sa kabataang lumipas na diko malilimutan
Sa pagmamahal ng aking ama't Ina
Nasa ugoy ng duyan sa mayamang alaala.

Anong saya't ligaya sa bawat alaala
Sa panahon ng pagkabatang humubog sa kamalayan
Maging isang modelo sa tunay na katotohanan
Sa indayong ng mga munting alaala.

Libingan

LIBINGAN


Isang patag na kalupaan sa lilim ng kalangitan
Tila siyang dambana ng mga dakilang pinagmulan
Nalilibutan ng krus nitong mga katotohanan
Siyang himlayan ng mga panahong mga lumisan.

Libingan ang siyang ating huling hantungan
Ating huling daratnan sa dulo nitong buhay
Yaring ating babalikan sa na tila pinagmulan
Uugoy sa ating katawan tungo sa katahimikan.

Sa bawat pagtatapos ng buhay ay bagong simula
Ang bawat nilalang may babalik sa kalupaan
Ngunit bawat isa ay babalik sa buhay na laan
Upang muling simulan ang buhay ng nakaraan.

Ang ating libingang minsang diniligan ng luha
Minsang pinagluksaan at natapos sa kalungkutan
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga bagay na ito
Mga bagong pag-asa ang siyang magsisimula.



Martes, Disyembre 4, 2012

M L Y K M L Y!

M L Y K M L Y!
Ni Reggie Ibarreta

Ang Pilipinas natatanging lupain ng mga pilipino
Bayang siyang sinilangan kakabit ng dugot laman
Lupaing ating unang namalas ang dakilang sikat ng araw
Humubog sa ating isipang hinubog ng panahong nagdaan.

Maraming taon na ang lumipas,ng tayo'y napaglamangan
Nang mga dayuhang sukab at mapanglinlang na kawatan
Binusabos ang ating bayan sa sarili nating kalupaan
Nilinlang ang mga tao upang puri't kapangyarihan kamtan

Ngayon ang parehong bakas ng mga taong lumipas
Ay nananatiling laganap sa bayang kinamulatan
Isang bayang laganap ang lagim ng nakaraan
Sa bawat institusyong pinupugaran ng mga gahaman.

Malayang kamalayan sa lahat ng kaganapan
Sa bawat sandaling sinusukob ito ng mga kasalanan
Tao'y nananatiling bulag sa mga katotohanan
Nananatiling biktima sa mundong walang kamalayan.

Nasa kong maipabatid sa aking mga mahal na kababayan
Nawa'y mata natin ay buksan sa tunay na kinasasadlakan
Matutong lumaban kung kinakailangan
Buksan ang ating mga isipan sa tunay na
MALAYANG KAMALAYAN!

TAYO AY MAGTULUNGAN

TAYO AY MAGTULUNGAN
Ni Reggie Ibarreta

Sa mga kapwa mamamayan nitong ating bayan
Tayo ay magtulungan para sa ating kinabukasan
Maging mabuting ehemplo sa bawat araw na biyaya
Sa hirap at ginhawa tayo ay handang magbigayan.

Anong ganda nitong bayan kung bawat isa'y nagmamahalan
Nagkakaisa at anumang pag-aaway ay iniiwasan
Laging bukas ang isipan sa bawat magandang kahihinatnan
Nasa'y laging nasa mabuti ang makakamtan.

Mga kababayan tayo ay iisa ang lupang sinilangan
Dangal nitong lahi sa ating lupang kinamalayan
Pamanang walang katumbas anumang brilyanteng makinang
Sa ating pagtutulungan anumang hirap kayang lampasan.

lalagi sanang isaisip na tayo ay iisa ang lupang sinilangan
Kataling pusod sa bawat hirap na ating nararanasan
Pagkilala at pagkakaisa alay sa bayang mahal
Pilipino ang pinagmulan laging handang magtulungan.

Huwebes, Oktubre 4, 2012

edukasyon



WASTONG EDUKASYON: Tungo nga ba sa isang maunlad na lakbayin nitong buhay?

            Ayon nga sa isang kawikaan: “Ang taong may pinag-aralan may magandang kinabukasan.”  Ito'y simpleng pagsasaad, na ang mga taong mga karaniwang nakapagtapos sa  karera ng pag-aaral ay karaniwang nagtatagumpay sa buhay. At tulad ng paglalakbay sa mga hamon sa ating buhay, ang pagkakaroon ng wastong edukasyon ang isa sa ating mga mabuting sandigan upang ating maabot ang mga pangarap na minimithi natin sa ating buhay.
            Ngunit kung minsan ay hindi nating maitatangging, kung sino pa ang ating mga hinahangaang personalidad sa larangang ni sa hinagap ay hindi natin ninasang maabot ay sila pang higit na nakikilala at nagiging matagumpay sa kanilang buhay. Silang mga taong minsang din na naghangad na makapag-aral ngunit sa labis na kahirapan ay hindi na nakapagpatuloy pa, at bagkus sa kanilang kabataan ay  maagang nasadlak sa mabigat na responsibilidad para sa nilang mga pamilya... tulad na lamang ng kwentong buhay ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao, sa maagang gulang ay naharap na na mabigat na tungkuling ang magbanat ng buto para sa kanyang mahal na pamilya,ngunit, sa kabila ng lahat hindi agad siya sumuko at bagkus ginamit niyang sandata ang kanilang kahirapan upang mapagtagumpayan ang tinatamasa niya ngayong magandang buhay.
              Kahanga-hangang isipin ang mga taong naging matagumpay, sa kani-kanilang napiling larangan, sa kabila ng hindi nila nagawang makatapos sa pag-aaral... Bagkus ang bawat magandang pagkakataong dumating a kanilang buhay, gaano man ito kahirap ay buong puso nila itong tinanggap, at kalaunan nga'y sila ay naging matagumpay sa kanilang buhay, hinangaan at nagsilbing inspirasyon ang kanilang mga mabubuting naimbag sa kaunlaran nitong ating bayan. Naalala ko tuloy ang minsang sinabi ni Thomas Edison na “One percent knowledge ninety-nine perspiration” Sa ating realidad na ginagalawan ang simpleng pag-aaral at pagtatapos lamang sa karera ay hindi sapat bagkus paghihirap at pagpapawis sa bawat bagay na ating  ginagawa.
            Kung gayon, sa aking katanungang kung ang pagkakamit ba ng wastong edukasyon ay sapat  ba sa para maunlad na paglalakbay natin sa ating buhay ay tunay ba? O hindi... Ang sagot ko ay 'TUNAY”
at bilang isang tao dito sa mundo,tayong lahat ay binigyan ng kalayaan na makipamuhay at maging mabuting mamamayan nitong ating bayan... kaya walang masamang dahilan kung tayo man ay naging matagumpay o maghirap sa ating  mga hinaharap na buhay. At bagkus ang lahat ng bagay na ito ay nakadipende sa lahat na desisyon at mga gawa na ating ginamit sa bawat sandali ng ating buhay. Nakapagtapos ka man o hindi sa pag-aaral, tayo ay may kalayaang gawin sa pagpapa-unlad ng ating buhay o di kaya'y kung sa daang pagbagsak.
            Sa wastong edukasyon na ating matatanggap, sa disiplina at tiwala sa ating sariling kakayahan ang siyang mahalagang sangkap sa ating pag-unlad. Kung saan saan sa bawat pagkamit ng magandang  pagkakataon sa ating buhay ay buong pusong at katapatan natin itong natanggap. Walang sino man ang tinatapakan bagkus, lalong nagiging determinasyon sa paggawa. Ito ang tunay at walang katumbas na maaari nating makamit sa buhay.
            Ang ating mahabang paglalakbay sa landasin nitong ating buhay ay isang natatanging pagkakataong maaaring maganap sa ating buhay. Ang maging makahulugan ang bawat sandaling  na inilagi natin dito sa mundo. Sa bawat edukasyong ating nakamit sa ating buhay, pagpapahalaga at tiwala sa sariling kakayahan ang siyang ating mabisang panlaban, dito sa mundo na kung saan ang lahat may may kakayahan maging maganda ang lakbayin ng kanyang buhay.          
            Sa wastong edukasyong nakasalalay sa bawat pag-ukit natin sa ating sariling mga buhay. Na tungo sa maunlad na LAKBAYIN NITONG ATING BUHAY!        

           

Miyerkules, Oktubre 3, 2012

LAKBAY BUHAY


LAKBAY BUHAY
Ni Reggie Ibarreta

Oras na lumisan, naglalahong bula
Sa hiwaga ng panahon na itinala
Araw na tinakda na siyang simula
Wakas ng dapithapon na nalalapit na.

Sa bawat pagsulong ng buhay na likha
Mga kataling pusong inalayan ng luha
Sa bawat paglisan, darating ang simula
Sa paglalakbay sa yugto nitong buhay.

Ang lakbaying hamo't bigkis sa tuwa
Iniilawan ng sulo sa diwa't pagluha
Ngunit nagbibigay saya sa tapos na pita
Taglay ang alaala sa nagdaang pagdurusa.

Sintang kay giliw sa bawat pag-ibig
Mga bahagi ng sandali ng unang pagniig
Sa  mga bawat pasyang nakapagligalig
Sa pagsungkit ng  puso, ni sintang iniibig.

Ang lakbayin ng buhay ay pagkukubli
Sa layon ng sandali na pilit minithi
Sa haplos nn samyo hanging nakangiti
Pagsasamang mabuti sa araw na pagbalik.

Sa lungkot at kasiyang na bininhi
Pakikisama sa bawat tipak ng sandali
Anumang pahina nitong buhay na nilipi
Sa akdang ito ang buhay sa lakbayin.

Anang kawikaan: Walang matimtimang
Birhen sa matiyang nananalangin
Nawa'y dapat laging nating pakaisipin
Na ang buhay ay puno ng pagpapasakit.

Bawat pagsubok ng duyan na lunggati
Ninasang lakbayin sa buhay na sinipi
Sintang duyan na ating titingalain
Bukas makalawa sa hamon lulugmok din.

Lakbay buhay sa mundong may lumbay
Mga tao'y karakter sa bawat paglalakbay
Na laging sa huli ay iisa ang kakamtin
Sa huling sandali, mga alaala ay sasariwain.

Ang mga aral sa sandali ng ating lakbayin
Tanging alaala sa panahon sa buhay natin
Pagmamahal at pakikipamuhay sa bawat isa
Sa LAKBAYIN NG BUHAY  sa mundomg atin.