Linggo, Setyembre 30, 2012

MGA ALITAPTAP



Sa pagsapit ng hapon ang hangin ay humahalina
Mga puno sa kaparangan ay nagbibigay kalayaan
Mga ibong nag-aawitan at mga insektong nagsasayawan
Sa lawak ng kalangitan, mga bituin ay nagniningningan.

Ngayon sa pagsapit ng kinagabihan
Ako'y nagpasyang maglakad sa lawak ng bakuran
Sa kakahuyan dala'y lamig ng hanging yaman
Dito ako'y namangha sa aking nasumpungan.

Alitaptap! Alitaptap! Gulat ang siyang nausal ko
Sa itaas ng punong Akasya, Mangga at Bayabas
Mga kaygagandang sulo sa gitna ng karimlan
Silang nagsasayawan sa punong inaalayan...

Kay gagandang mga alaala
Mga alitaptap na sa isipan ay bumuhay
Sa mga nagdaang panahon ng aking kabataan
Nawa'y maulit pa ang dakilang naranasan.

Letras Y Figuras: Mga Inukit ng Kapalaran

www.saranggolablogawards.comLetras Y Figuras: Mga Inukit ng Kapalaran: Mga Inukit ng kapalaran Ni: Reggie Ibarreta Dito po sa amin sa bayang ipinagpala,  Ang mga tao’y salat namamatay sa luha; Hirap a...

Ulan

PAGHUPA NG ULAN

Sa gitna ng karimlang nagbabanta
Sinundan ng kulog at kidlat na nagluluksa
Sabay ng pagbuhos ng ulan sa kalupaan
Na nagbibigay buhay at sumisira sa likhang kalikasan.

Sa bawat patak at hambalos ng alon sa dagat
Malakas na hangin na umalimpuyo sa kagubatan
Takot na takot na mga hayop sa hamon ng kalikasan
Lahat naglalarawan sa buhay na makahulugan.

Ngayon sa paghupa ng ulan
Bagong mukha ng mundo ang mararatnan
Isang magandang umaga ang masasaksihan
At kalangiitang napapalamutian ng kapayapaan.



TULA

Titik at letrang pinanday sa katotohanan
Sa mga tulaang yaman nitong ating bayan
Pinalawak ang isipan sa bawat kinathaan
Tulang ang saliw ay magbigay ng kaaralan.

Umukit sa apoy sa nagliliyab na katauhan
Ninasang ilabas upang sa lahat ay ipaalam
Ang bawat misteryo ng buhay na hiram
Sa bawat yugto ng panahon na lumisan.

Lahing pinagmulan ating tulang inalayan
Buhay na nasakdal sa lilim ng tungalian
Hinalukay ang bawat silong ng kalangitan
Upang bawat karunungan ay mailarawan.

Ako'y isang manunula sa isang kaparangan
Nalilibutan ng mga kahoy a likas na yaman
Sa likhaang yaman na tulang kayamanan
tula na hinabi ng henerasyong inalagaan.










Sabado, Setyembre 29, 2012

Obra De Mano



OBRA DE MANO
Ni Reggie Ibarreta

Sa malinis na kaisipan ng mga tagapagsanay
Sa mga kamay na bihasa't pinanday
Talino't galing buong pugay na winagayway
Buong mundoy namalas ang taglay na husay.

Kami ay Pilipino na sanay sa pagpapagal
Sa pagdungkal ng lupa, inalay ang buong buhay
Gamit ang aming kamay sa paghanapbuhay
Sa paggawa na hinangaan saan mang larangan.

Obra de mano at ang pinoy ay pinagpupugay
Sa mga likhaang sining kami ay hinahangaan
Bawat gawa ay pawis at dedikasyon ang pinuhunan
Handang maghirap upang pamilya ay matulungan.

Mula noon hanngang sa kasalukuyang panahon
Tayong mga  Pilipino ay natanyag saan man naroon
Sa mga nagpupunyaging kamay sa paggawa
Saan mang larangan obra de mano  sa paglikha.











Sumpain



Sumpain nawa ang Ngalan nyo!
Ni Reggie Ibarreta

Sa mga buwitreng nananahan sa ating pamahalaan
Nawa'y inyo sana itong mapakinggan
Ang mga pagsasamo nitong ating bayan
Sa mga kamay ninyong mapanglalang
Sumpain nawa ang ngalan nyo!

Mga bahay na naglalakihan at sasakyang nagmamahalan
Sa mga damit na kaykislap sa mga ginto't porselana
Sa bahay pamahalaan sila ang Hari at Reyna
Kami ay nananawagan sainyo
Sumpain nawa ang ngalan nyo!

Habang ang bayan ay hikahos sa kahirapan
Kayo naman ay nagpapasasa sa kayamanang kinamkam
Kung hindi uusigin ng mga may kapangyarihan
Hindi pa titigil sa modus na kinatabaan
Kami ay nananawagan sainyo
Sumpain nawa ang ngalan nyo!

Sainyong mga pakitang taong pulitiko
Nawa'y magpakatao
Sa gitna ng eleksyon panay pangako
Kapag luklok na! Lahat na napako...
Pasasa sa pagpapakabusog
Samantalang ang iba ay nagpapakapagod
Kami ay nananawagan sainyo
Sumpain nawa ang ngalan nyo!


Sainyong lahat!
Nawa'y magpakatao
Sumpain nawa ang ngalan nyo!

Blind Country



BLIND COUNTRY
By Reggie Ibarreta

My beloved country is on the states of whimpering
Wherein everything would become a prey of difficulties
In the matter of life and gasping
And from the afterglow of continuous crying.

Some says that we lived in a blind country
The country of pitiful and unending blindness
Whom becomes noted because of vicious killings.

I want to outcries my distress from you
Oh, My beloved country
because, we became the nest of all terrible birds of prey
Those that fearlessly succumb our vulnerable innocent livings.




Manunulat



ANG MANUNULAT
Ni Reggie Ibarreta
Sa paham na kaisipan na bunga ng karanasan
Bawat letrang itinala na hinog sa hasa
Disiplina at patas ang siyang panata
Sa bawat likhang sulatin na ikinatha.

Isang tanyag artista na bukas ang isipan
Sa karera ng buhay sa silo ni kamatayan
Mga takot at pangamba ay hindi alintana
Pagkat ang layon nila'y sa tuwid at  tama.

Ang mga manunulat ay isang dakilang likha
Nang ating bayang nasa silong ng karimlan
Pagbibigay boses sa hinaing ng ating lipunan
Sa mga suliraning tila wala ng kalunasan.

Pakiwari ng iba sila daw ay isang banta
Ngunit sa palagay ko ay mga nagakakmali sila
Pagkat ang manunulat ay siyang salamin at mata
Sa madilim na katotohanang inilihim sa madla.

Ang maging isang manunulat ay layuning dakila
Hahamakin ang bantang ang paa'y nasa hukay
Buong tapang na ipinakikita sa bawat madla
Ang lihim ng ating bayang  ibinaon na sa lupa.


Luha



LUHA
 Ni Reggie Ibarreta
Anong tamis ang ningning ng mga ngiti
Sa pumanglaw na mukha mong sawi
Isang tanong kung totoo ba? O hindi?
Mga luha saiyong matang nagkukubli.

Pilitin mang itago sabuhay mong sawi
Mga luhang samata'y namumutawi
Sa bawat paghamon ng buhay na kimi
Lumuha man ako, nais ikaw ang makapiling.

Sinta'y ano? Saiyo mahal naparaluman
Umibig ma't lumuha saiyo parin
Kumatha ng pagmamahal ikaw lalagi
Luha ng bawat pag-ibig sana'y pasaakin.

Lumuluha sa bawat tipak ng sandali
Hinahanap-hanap ang dati mong pag-ibig
Kung ako man ay  magnasang sumilip
Sa luha mong ang  sakit ay nagkukubli.